Thursday, August 2, 2018

Wikang Filipino: Paunlarin at Pagyabungin



     Sa ating mundong pabago-bago, hindi mo na malaman kung ano ang pinapahalagahan ng bawat mga tao. Mahal kong bansa, Ang Pilipinas, wikang Filipino ang gamit na lenggwahe ng mga Pilipino, ngunit bakit unti-unti ng binibitawan ang lenggwaheng ito at mas pinipili na ang lenggwahe sa ibang estado. Wikang Filipino ipinag babalewala ng mga tinedyer kayat sila'y hindi na natututo. Gumagawa ng mga bagay na hindi naman ikauunlad ng bansang ito. Buwan ng Agosto, malugod na tinanggap ng mga Pilipino ang pagpasok ng ipinagdiriwang na Buwan ng Wika, "Filipino: Wika ng Saliksik" ang tema nito.
      Wikang Filipino, maraming naituturo sa buhay ng bawat Pilipino, sapagkat tinitipon tayo na magkaisa ng wikang ito. Pag tayong mamamayang Pilipino nagtulong-tulong ay tiyak ang ating ekonomiya'y unti-unting lalago. Wikang Filipino, tayo na't pahalagahan ito, dahil simula palang ng iyong pagkasilang ay ito na ang iyong wika. Ngunit sa panahon na meron na tayo unti-unti ng bumabagsak ang magandang ekonomiyang ninanais nating mga Pilipino. Hahayaan na lang ba natin na mabalewala ito? Hahayaan na lang bang ibang wika na ang maghari rito?  Wikang Filipino ay kakailanganin ng estudyandeng katulad ko, lalo na sa tuwing nagsasaliksik tayo. Bakit ba tayo nagsasaliksik? Para saan? Para kanino? Tayo'y nagsasaliksik upang tuklasin ang bawat sagot sa mga ating katanungan. Payo ko lamang kaibigan ko, pag tayo'y gumagawa ng proyekto lalo na sa larangan ng agham at matematika, ating gamitin ang wikang Filipino sa pagsusulat ng salita at mga pangungusap. At kung ikaw nama'y nagbabalak na sumulat ng libro, isulat mo ito sa Wikang Filipino. Sa mga propesyonal na manggagawa katulad ng mga guro at doktor ay gamitin ang Wikang Filipino lalo sa pakikipag-usap at pagtuturo. Ayon sa aking nabasa, nais ng KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) na habang papalago ang kaalaman sa siyensa at matematika kinakailangan papalago rin ang Wikang Filipino.
      Ating bansang tinitirhan sama-samang magtulungan sa pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran lalo na sa larangan ng agham at matematika. Wikang Filipino sama-sama nating yakapin upang pag-unlad ay sabay-sabay din nating anihin. Wika na siyang nagsisilbing ating teleskopyo sa pagtuklas ng pagbabago; Ang karunungang natamo, sa progreso patungo. Kaya't tayo'y matuto na magsaliksik gamit ang Wikang Filipino, tangkilikin ang sariling atin. Sarili'y sanayin na Wikang Filipino ang dapat gamitin. Mahalin ang sariling atin, wikang Filipino'y pagyabungin at pagyamanin.




(credits: www.affordablecebu.com)







1 comment:

When It All Ends

                       The excitement in everyones faces started to fade. The sparkle in their eyes wasn't there anymore. The end is...