"Ma, tama na po", "Mama masakit na po", "Papa aray ko po", ilan yan sa mga daing ng mga batang pinagkakaitan ng pagmamahal mula sa kanilang mga magulang. Sabi nga nila ang mga bata ay minamahal at inaalagaan hindi sinasaktan saktan lamang. Kahit na bata "lang" sila kung tignan ngunit hindi naman natin alam na baka isang araw ang mga batang ito "lang" ang magsusulong ng ating bansa, baka ang mga batang ito "lang" ang mag-aahon ng ating bansa mula sa bangungot. Sabi nga ni Gat Jose Rizal, ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Hindi dapat natin binabalewala ang kasabihang ito. Dahil posible na ang mga kabataan ngayon ang siyang susi sa hinaharap.
Ang mga bata ang nangangailangan ng labis-labis na pagmamahal galing sa kanilang magulang. Kungkaya't dapat silang paglaanan ng pagmamahal. Lalo na't sa panahon ngayon marami na ang tinatamaan ng depresyon sa kadahilanang wala silang nararamdamang pagmamahal na nailalaan sa kanila. Ang depresyon na ito ay ang siyang kanilang ikababagsak. Dahil pag hindi nila ito nakayanan ay nagpapakamatay sila. Pataas na ng pataas ang bilang ng mga kabataang nagpapakamatay. Dahil sa pagiging pabaya ng mga magulang nila.
Sabi nga ng nabasa ko sa internet na tungkol sa maagang pagkabuntis ng mga ilang tinedyer ay hindi nila naaalagaan ng mabuti ang kanilang anak dahil sa wala silang pantustos sa mga pangangailangan ng mga ito. Dahil sa kulang na pag-aaruga ng mga magulang ay parami na ng parami ang nawawala ng landas. Marami na ang tumatahak sa ibang direksyon, direksyon na siyang pupukaw sa kanilang landas.
Bago pumasok sa pagpapamilya, siguraduhing may ipapakain sa mga anak, at siguraduhing kayang bigyan ng tamang pag-aaruga. Laging isipin na ang mga bata ang labis na nangangailangan nga atensiyon, pagmamahal, at tamang pag-aaruga. Ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Kungkaya't bigyan natin sila ng masayang buhay. Hayaan natin sialng damhin ang tunay na kaligayahan bilang bata. Isulong ang tamang pag-aaruga sa mga bata. Nakasalalay sa inyong mga magulang ang kanilang buhay at kinabukasan. Oras na nasura na ito magiging kalungkot lungkot ang kanilang buhay na siyang rason ng kanilang pagbagsak bulang isang mabuting mamamayan.
Isang napakagandang artikulo mula sa magaling na manunulat. Isa iyang aral para sa mga magulang na ipinagkait ang magandang buhay para sa kanilang mga anak. Nawa'y mabasa nila ito nang malinawanagan sila.
ReplyDelete